Tuesday, June 7, 2011

Si "Papa" Tahimik Ngunit Matinik

Mayroon ka bang biyenang lalaki na ubod ng sungit? Kahit anong pilit, hindi mo mahuli ang kiliti. Medyo may pagka-mayabang ngunit sa tingin mo walang maibubuga. Haha! Saan ka na lang pupulutin pag nagkataong maloka ka na sa ganitong uri ng lalaki?!

Bastos na Biyenan

Dinalaw ka, dinalhan ka ng masarap na pagkain at inuwian pa ng laruan ang junakis mo. Okay na sana pero sumablay ang "family" day niyo ng hiritan ka ng nakakapanlait na comment! Nakakalowka talaga ang mga pangyayari. Inilalagay ka talaga sa sitwasyon na ikakagalit mo ng tunay pero hindi ka makapag-react dahil nanjan ang asawa mo at ang junakis mo na rin! Iiyak mo na lang yan! Hahaha!

Si "Mama" ay Chikadora, Chismosa!

Minsan talaga, gusto ko ng sapakin si "Mama" dahil sa mapangahas na dila niya. Chit chat dito, chit chat doon. Walang preno sa pagsasalita. Bongga si "Mama"! Sa sandali nilang paguusap ay nakabuo na siya ng isang istorya na ikukwento niya sa mga chikadora niyang kaibigan. Haay! Nakaranas ka na ba ng biyenan na kwento ng kwento tungkol sa inyong magasawa? O ng biyenan na padalos-dalos sa pananalita niya? Nakakaloka di ba?!

Sunday, June 5, 2011

Sa Wakas!

Finally! Matapos ang ilang buwang pagiisip kung gagawa nga ako ng blog tungkol sa mga biyenan ay nakagawa na rin! Haha! Marahil kinailangan ko lang ng kaunti pang panahon at convincing ng sarili kaya natagalan. Pero heto na nga! Fresh and ready for your consumption!