Sunday, June 5, 2011

Sa Wakas!

Finally! Matapos ang ilang buwang pagiisip kung gagawa nga ako ng blog tungkol sa mga biyenan ay nakagawa na rin! Haha! Marahil kinailangan ko lang ng kaunti pang panahon at convincing ng sarili kaya natagalan. Pero heto na nga! Fresh and ready for your consumption!


Una sa lahat, binuo ko itong blog na itech dahil nais kong magbahagi ng aking mga karanasan pagdating sa usapang biyenan. Halos lahat kasi ng naranasan ko ay hindi magaganda- na nagiwan sa akin ng maraming katanungan. Nagiwan din ito sakin ng kaunting inis at pagdududa sa sarili. Nagdududa ako kung ako nga ba ang dahilan kung bakit hindi masyadong bet ng mga magulang ng asawa ko ang aming pagsasama! O baka naman lahat kami ay may pagkukulang- ugat kung bakit hindi easy-flowing ang relasyon namin (lalo na sa pagitan namin ni Mama)... Hahaha!

Nagyon, kung nakaka-relate ka nga sa mga sinasabi ko, iniimbitahan kitang magbasa pa at maki-ride sa aking biyahe patungo sa pagunawa kina "Mama at Papa" dahil together, we can conquer the mountain! Hahaha...

Pangalawa, binuo ko tong blog na to para maging outlet ng negative vibes ko. NGUNIT hindi ko ito binuo para lait-laitin lang at pagmumurahin ang mga biyenan ko noh. (Konti lang. Hahaha!) Pero seriously, hindi talaga ito ang lugar para siraan ko ng todo-todo ang mga magulang ng asawa ko. Mahal ko ang husband ko kaya kung nais kong maging maganda ang aming relasyon, pakikisamahan ko ng maayos sina "Mama at Papa".

At ang pinakaimportante sa lahat, binuo ko itong blog na itech dahil nais kong maibahagi sa mga kapwa Pinoy ko ang mga suliranin (bigat ng wording noh?!) at struggles ng pagiging isang daughter-in-law.

Bakla, tomboy, diretso o kung ano ka man, by all means, magsubscribe ka dahil inaamin kong kailangan ko ang input mo. Marami pa akong kailangang kainin na bigas at marami pa akong hindi alam sa pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga biyenan kaya, please please please, samahan ninyo ako!

That's all for now! Babush!



post signature

No comments:

Post a Comment