Tuesday, June 7, 2011

Si "Mama" ay Chikadora, Chismosa!

Minsan talaga, gusto ko ng sapakin si "Mama" dahil sa mapangahas na dila niya. Chit chat dito, chit chat doon. Walang preno sa pagsasalita. Bongga si "Mama"! Sa sandali nilang paguusap ay nakabuo na siya ng isang istorya na ikukwento niya sa mga chikadora niyang kaibigan. Haay! Nakaranas ka na ba ng biyenan na kwento ng kwento tungkol sa inyong magasawa? O ng biyenan na padalos-dalos sa pananalita niya? Nakakaloka di ba?!



Recently, may nadinig na naman akong panghaharas sa akin dahil sa nabitiwang salita ni "Mama". Meron kasi siyang hindi naiibigan sa mga pangyayari sa amin ng asawa't anak ko. So isang araw, nung siya ay nakumusta ng kaniyang kumare, nakapagbitiw siya ng mga bitter na salita. Siyempre, nalito ang kumare niya at nag-speculate sa kung bakit ganun na lang siya sumagot tungkol sa sitwasyon.

Kung galit man si "Mama" sakin, wish ko lang sa amin na lang mamagitan yun di ba? Kasi naman, hindi bawal ang maging galit. Pero may mga bagay na dapat talaga ay sa atin na lang manatili (and pagusapan ng mabuti) at hindi ipinahahalata/ipinagkakalat sa iba. Siyempre, ito ay pwedeng pagmulan ng mga spekulasyon at chismax. Sino ba naman ang may gusto nun di bey?!

(Kung isa po kayong biyenan at nababasa niyo po itey, sana po maalala niyo ang mga panahon nung baguhang manugang pa lamang kayo. Nahirapan ba kayong pakisamahan ang biyenan ninyo? Sana maisip niyo din kung ano talaga ang pakiramdam ng maging isang manugang dahil nanggaling kayo sa ganun. Tamaahhhh!)

Paalala naman sakin ng sarili kong mudra, wag kang paapekto at huwag mo rin tularan ang ginagawa ni "Mama". At ang sabi naman ng aking tita, "Do not be like the man who is well-schooled but acts uneducated." Taray di ba?

Sa samahang magasawa, natututunan ko ang pagkokontrola sa emosyon- lalo na ang galit. Hindi magandang ideya na basta ka na lang chika ng chika kung kani-kanino. Pwedeng pagsimulan iyon ng gulo at mas matinding tensyon sa inyo ng mga biyenan mo. Nakowww! Ayaw natin yon! At hindi mo rin naman sigurado kung yang pinagchi-chikahan mo ay babaligtad sa iyo. Careful! Your tongue is a deadly weapon! Kaya ceasefire na ko! Ceasefire na rin kayo to keep a happy and healthy marriage!



post signature

No comments:

Post a Comment