Tuesday, June 7, 2011

Si "Papa" Tahimik Ngunit Matinik

Mayroon ka bang biyenang lalaki na ubod ng sungit? Kahit anong pilit, hindi mo mahuli ang kiliti. Medyo may pagka-mayabang ngunit sa tingin mo walang maibubuga. Haha! Saan ka na lang pupulutin pag nagkataong maloka ka na sa ganitong uri ng lalaki?!


Si "Papa" kasi, hindi ko mawari kung bakit galit na galit sakin. Simula pa lang ng ligawan ako ng mister ko, nagpakita na siya sakin ng hindi maganda. Masyadong pa-importante. Feel na feel mo pa ang hangin pag nagsasalita. Masyadong high-profile at hindi na ma-reach. At sa tingin ko, dahil ganun si "Papa" naging ganun din si "Mama". (Sabi kasi nila, ang magasawa, habang tumatagal nagiging magkatulad.)

Saan ba ako nagkamali? Hindi ko nga alam kung saan ako huhugot ng iba pang mga salita na puwede kong isulat dito sa post na to dahil puro lang katanungan ang nasa isip ko ngayon. "Saan ako nagkamali? Ano ang kasalanan ko? Bakit siya mailap sa akin?"

Pilit ko siyang iniintindi. Minsan kahit natatakot ako, pilit ko pa rin siyang nilalapitan ng may ngiti para magmano o mangumusta. Pero parang kahit anong gawin ko, walang talab sa kaniya.

Hindi ko tuloy maisip kung ano nga ang susunod kong hakbang. Wala yata akong maipapayo sa inyo. Walang salitang comforting para sa sarili ko.

So ano, kwentuhan niyo na lang ako ha?


post signature

No comments:

Post a Comment