Dinalaw ka, dinalhan ka ng masarap na pagkain at inuwian pa ng laruan ang junakis mo. Okay na sana pero sumablay ang "family" day niyo ng hiritan ka ng nakakapanlait na comment! Nakakalowka talaga ang mga pangyayari. Inilalagay ka talaga sa sitwasyon na ikakagalit mo ng tunay pero hindi ka makapag-react dahil nanjan ang asawa mo at ang junakis mo na rin! Iiyak mo na lang yan! Hahaha!
Sa pagaasawa, hindi mo talaga maiiwasan ang makasama at makasalo ang mga biyenan mo. Sobrang unfortunate lang ng naranasan ko dahil hindi lang minsan ako binastos ng biyenan ko. Sa bawat pagbisita niya sa bahay namin, may panglalait siyang binibitiw sakin. Jusko daay! Malalagas ang buhok ko sa kasasabunot sa sarili ko! Hahahaha!
Masaklap talaga ang mabastos dahil sa sarili ko pang bahay ako binabastos. Sabihan ka ba naman na amoy aso ang bahay mo gayong hindi naman totoo. Haysus! Iniisip ko kung bakit ginaganoon ako ng biyenan ko above all the effort I put into reaching out to her. Sadya ba akong maganda at naiinsecure siya sakin?! Hahahaha! Hindi naman siguro pero pilit kong iniisip kung ano ang mga posibleng dahilan kung bakit ganun na lang siya umasta sakin. Ano kaya ang totoong mensahe na gusto niyang iparating?
Gusto kong makipagsampalan na lang para mas madali. Hahaha! Pero siyempre hindi naman kami elementary para mag-away ng ganun. I'm doing my best para hugutin sa kaila-ilaliman ng puso ko na unawain ang biyenan ko. Minsan naiisip ko rin na baka gawa yon ng hindi niya pagtungtong sa kolehiyo. (Pero on the other hand, hindi naman porke hindi ka nakapagaral ay bastos ka na. Marami akong kilala na hindi nakapagaral pero may breeding. Tignan niyo na lang ang lola ko.)
In general, iba-iba nga talaga tayong mga tao. At siyempre iba rin ang mga coping mechanisms natin sa stress. Siguro nga ay nai-istress din sa sitwasyong ito ang biyenan ko kaya ganuon na lamang siya sakin. Nakakatuwa na sa pakikiulayaw ko sa iba't ibang klaseng tao (including my in-laws) ay mas lumalawak (at pilit pinapalawak) ang aking pangunawa.
Sana may napulot kayo sakin, kahit kapiraso! Babooosh!!!

No comments:
Post a Comment